Sunday, September 18, 2016

"GUIMARAS"

Ang Guimaras ay isang pulong lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Kanlurang Visayas. Ang pulo ng Guimaras na siyang pangunahing pulo ng lalawigan ang bumubuo sa 98 bahagdan ng kabuuang kalupaan nito. Binubuo ang lalawigan ng pangunahing pulo ng Guimaras at ilan pang maliliit na mga pulo sa baybayin nito.  



 

Mangga: Yaman ng Guimaras

              Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Guimaras ang Pangunahing pinagkukunan ng mga matatamis na Mangga hindi lamang sa Pilipinas kundi pati narin sa iba’t-ibang bansa.


MANGO TREE PLANTATION


Humigit kumulang 7,482 ang Mango growers sa Guimaras. Ang “Oro Verde Mango Plantation” (2337.016 ektarya na may 18,000 punong manggang nakatanim rito) at  “Guimaras Tree Farm” ang pinakamalawak na plantation. 

MANGO EXHIBIT



Ang Guimaras ay kilala sa produktong pang-agrikultura nito, ang Mangga. Dinarayo dito ang. pinakamatamis na bungang mangga hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa , kung kaya’t binansagang“Mango Capital of the Philippines” ang Guimaras.

Ready to eat Mango


MANGGANG HINOG



PAMPASALUBONG


 Mayroon ding iba’t-ibang prduktong gawa sa Mangga tulad ng Dried Mangoes, Mango Bars, Mango Jam at kung anu-ano pa. Ito ang karaniwang iniuuwi bilang pasalubong ng mga bumibisita sa Guimaras. Ilan ito sa mga ineexport na produkto ng ating bansa.

MANGO PRODUCTS:
 MANGO JAM
DRIED MANGO



MANGGAHAN FESTIVAL


Noon ay pagdiriwang lamang ito sa  Guimaras bilang isang independent province.Ngunit sa pagdaan ng taon, dahil sa kasaganaan nitong natatamasa mula sa mga produkto, ang Manggahan Festival ay mas naging makulay at dinarayo ng mga turista. Ilan sa mga kaganapan na tiyak na mabibilib at makakapagbigay kasiyahan sa iyo ay ang Cultural show, Mango All you can, Fireworks display, atbp. Ipinagdiriwang ito tuwing huling Linggo ng Mayo.
 
Street Dance
Cultural Show   



GUIMARAS CRAFTS
May kakayahan ring maghabi ng iba't ibang gamit ang mga taga Guimaras tulad ng bag, tsinelas, wallet, atbp.

 Hinabing Bag
Hinabing Tsinelas

 




KAKAYAHANG PANDISKURSO

Ayon sa tagapagsalita ng US embassy, tanging ang mangga ng Guimaras ang pumasa sa masusing pagsisiyasat at pagsusulit at nangangahulugan ito ng karagdagang kita sa kaban ng Pilipinas.. Dahil sa taglay na katangian ng Mangga sa Guimaras, nakakapagexport na ang Pilipinas sa mga karatig nitong bansa.
 
TUKLAS GUIMARAS!